20 Practical Tips sa Paglalandi at “Standing Heat” ng Inahing Baboy

Mahalagang matutunan natin ang pag check kung kailan ang “standing heat” o pagpayag ng inahin para ma ai dahil dito nakasalalay ang dami ng iaanak ng inahin. Pag tama rin ang heat detection, maiiwasan din ang pag uulit ng landi ng inahin at ang pagkakaroon ng impeksyon sa matris.

Narito ang mga dapat tandaan sa paglalandi at pag-check ng “standing heat” ng inahin:

  1. Maari nang magsimulang maglandi ang dumalagang baboy sa edad na lima’t kalahati hanggang anim  na buwan pagkapanganak. Habang ang inahin naman ay maaring maglandi sa loob ng pito hanggang sampung araw pagkawalay ng mga biik.
  2. Ang paglalandi ng inahin o dumalaga ay tumatagal ng limang araw mula nang mamula at mamaga ang ari nito. Kapag hindi ito na ai o hindi nabuntis, maglalandi ulit ito sa loob ng 21 araw
  3. Narito ang mga sintomas ng paglalandi o signs of heat na napapansin loob ng limang araw  

 a) Namumula at namamaga ang ari                                                               

 b) Madalas na pag-ihi                                                                                     

c) Matamlay o ayaw kumain                                                                           

 d) May lumalabas na likido sa ari                                                                 

 e) Tumatayo ang tenga pag dinidiinan sa likod                                             

 f) Sinasampahan ang ibang inahin o dumalaga

technique sa pag-check ng standing heat

Bukod sa mga external signs ng paglalandi, maari ding isagawa ang mga sumusunod para malaman kung standing heat na ang dumalaga o inahin

4. Haunch Pressure Test – Sa paraang ito, nasa likuran tayo ng baboy at dinidiinan ang likod nito gamit ang ating mga kamay. Standing heat na ang baboy kapag di na ito gumagalaw at tumitirik ang tenga.

5. Riding-the-back Test – Ito ay ang pagsakay o pag-upo sa likuran ng inahin habang iniipit ang tagiliran nito gamit ang mga paa. Kung standing heat na ang inahin, hindi na ito gagalaw at tumitirik ang tenga

6. Boar-odor spray or semen-on-snout test – Nagwiwisik tayo ng semilya ng barako o kaya pheromone spray ng barako para malaman kung mag-standing heat ang inahin.

7.Teaser Boar Method – ito ang pagpapalakad ng barako sa harap ng naglalanding inahin para magkaroon sila ng nose-to-nose contact. 

“STANDING HEAT” AT PAG-AI NG DUMALAGA

8. Ang standing heat sa baboy ay dalawang araw na ang inahin o dumalaga ay tumatanggap ng barako o semilya para ito ay mabuntis. Mapapansin na ito ay tumitirik ang mga tenga at hindi gumagalaw kapag diniinan sa likuran.

9. Sa ika-apat at ika-limang araw ng paglalandi ay kadalasang “standing heat” na o pumapayag na ang dumalaga para ma A.I.

10. Sa araw na ito, mapapansin na mas lumiit, medyo kulubot na at mas mapusyaw na ang ari ng naglalanding dumalaga.

11. Ang likido sa loob ng ari ay mas malapot at madikit na, at hindi na po magalaw ang dumalaga pag diniinan o sinakyan sa likod (standing heat).

12.. Ipapasok  ang unang bote ng semilya 6-8 oras mula nang mag “standing heat” ang dumalaga. Ipapasok naman ang pangalawang bote ng semilya 8-12 oras mula nang maipasok ang unang bote ng semilya.

“STANDING HEAT” AT PAG-AI NG INAHIN

13. Kadalasan, ang inahin ay naglalandi ulit mula 3-10 days pagkawalay. Mapapansin na mamumula at lalaki ang ari pero hindi na gaanong mamamaga tulad ng sa dumalaga.

14. Sa ikalawang araw ng paglalandi, mas malaki at mas mapula ang ari ng inahin. May makakapa na ring malabnaw na likido sa loob ng ari nito. Pero hindi pa rin pwedeng ma-A.I. ang inahin sa araw na ito. Magalaw din ang inahin pag diniinan o sinakyan ang likod nya sa araw na ito.

15. Sa ikatlong araw ng paglalandi kadalasang pumapayag na ang inahin para ma A.I. Sa araw na ito, mas marami at mas malapot na ang likido na inilalabas sa ari nito. Mas mapusyaw at mas kulubot din ang ari nya kumpara sa ikalawang araw ng paglalandi. Di na rin gumagalaw ang inahin pag diniinan o sinakyan ang likod nito (standing heat).

16. Ipapasok ang unang bote ng semilya 8-12 oras mula nang mag-standing heat ang inahin. Ipapasok naman ang pangalawang bote ng semilya 12-18 oras mula nang maipasok ang unang bote ng semilya.

17. Bawat bote po ng semilya ng barako galing sa Davsaic ay may 4-5 bilyong semilya ang laman para mas mataas ang tyansa nating mabuntis ang standing heat na dumalaga o inahin ninyo.

problema sa paglalandi

18. Problema ang mga dumalaga na umabot na ng 10 buwan mula pagkaanak at di pa nakikitaan ng paglalandi. Ito ay tinatawag na anestrous. May mga paraan para ang mga ito ay mapalandi at mapa ai.

19) Maaring maglandi ang inahin habang ito ay nagpapasuso ng mga biik. Iwasan muna itong ipa-A.I. dahil hindi ito mabubuntis.

20) Iwasan din munang ipa-A.I. kaagad ang mga inahin kung naglandi ang mga ito pagkatapos ng abortion. Mas magandang bakunahan muna ulit ang mga ito at ipa-breed o ipa-A.I. isang buwan matapos ang abortion. 

About the Author

Si Doc Teng David po ay 20 taon nang Swine Veterinary Practitioner na nagtapos sa UP at Los Banos. Siya rin ay 2nd Placer sa 1999 National Veterinary Board Exam at kasalukuyang Sales & Marketing Manager ng David Swine A.I. Center, Inc.

35 thoughts on “20 Practical Tips sa Paglalandi at “Standing Heat” ng Inahing Baboy

  1. Ruben Karlluman says:

    Maraming salamat doc,ng dyan ka,sa tulad ko n bagohan p lng ng alaga ng baboy,malaking tulong tlaga po,godbless po sa inyo

      • dina ubay says:

        Hi po ….tabung lng po yung inahing baboy ko po pina ia na po kaso my lumabas dw na puting likido sa ari nya ano po Yun ..salamat po

        • Oreste David says:

          Hi Dina, ilang days na pong na ai ang inahin nyo? yung puti po ba lumalabas after nyang umihi? Posible po kasi baka hindi naman infection po iyon. Baka minerals na galing po sa pantog kasi minsan nade-dehydrate po ang inahin dahil kulang sa tubig o sobrang init ng pahahon. Paliguan nyo po lagi pag mainit ang araw at dagdagan ng inuming tubig na malamig para mas marami siyang mainom.
          Regards,
          Doc Teng David

  2. Mary grace saranillo says:

    Gud pm sir,tanong ko Lang po maaga ng landi ang inahing baboy ko po 5mos tapos pina ai ko nkadalawang ai n hindi po nabuntis,ano po ang dapat kung gawin po

  3. Ernie Sarmiento says:

    Helo po doc.ask lang po sana ako doc. May nabili po kasi kami na inahing baboy na naka pang anak pa lang po ng unang beses sa may ari tapos sabi po mag 3 months na daw po ngayon December simula ng nawalay sa mga anak nya.. Bakit po hindi parin nag lalandi? Nasubukan po ng asawa ko yung steps na pinatungan nya yung heps ng inahin peru di po sya gumagalaw at namamaga lang yung ari nya peru di po sya linalabasan nang likido.. Ano po dapat gawin doc. Patulong po. Thank you

    • Oreste David says:

      Pwede nyo po i breed na kung namaga ang ari nya at nag standing heat kahit wala pang discharge sa ari. Minsan po kais, lalabas lang yung discharge minsan kung properly stimulated ang inahin like pag hinarap at nag nose to nose contact sa barako. importante po doon is standing heat sya kapag ipina barako or ipina ai nyo

    • Sam says:

      Hello sir. Kung last standing heat ng dumalaga kopo ay friday january 15, mga anung date po kayo ko dapat Mag oorder ng pang AI sa inyo .? Salamat po .

      • Oreste David says:

        Hi Sam, saan po ang location nila? Kung within Pampanga or Bulacan area pwede namin kayo papuntahan sa aming mga ai technician kapag standing heat na ang inahin nyo. Pero pag other province po mas maganda sa unang araw pa lang ng landi ng inahin nyo inform nyo na kami.

  4. carol sabidong says:

    magandang umaga po.tanong ko lang po.june pa po nanganak ang inahing baboy ko.ng mawalay po ang mga biik sa kanya.nagtanggalan ang mga balahibo nya.ngayun po dalawang beses na po na ai.peru di pa din nabuntis.kung papatangun ko po yung likuran nya di tumatayu ang tenga nya galaw ng galaw.peru namamaga ang ari nya.ano po ang pwedi kung gawin?

    • Oreste David says:

      Hi Casrol, mas maganda mag revaccinate ka muna for Parvovirus at Hog cholera before breeding. Then kung maglalandi at may parang nana na lumalabas sa ari, palipasin mo muna at gamutin ng antibiotic

  5. eljune says:

    sir ung inahin q hnd pa nagla2ndi.nagwalay ak sa Dec 21 hanggang ngaung Jan 8 hnd pa nagla2ndi.kealan pb sya uli nagla2ndi?

    • Oreste David says:

      Hi Eljune, kung di pa rin naglalandi, pwede mo na bigyan ng pampalandi like Synchrovet or PG 600. Also injek mo rin Vitamin ADE 5 ml. Ilagay mo rin muna sa maluwang na kulungan para ma exercise

  6. Lagzd says:

    Hello po doc, tanong ko lng pa baka may idea po kayo. Bakit hindi pa naglalandi ulit yung baboy ko matapos nyang iwalay sa mga biik? Almost a month na mula sa pagwalay di parin nag lalandi. Nano kaya problema nito? Salamat in advance sa sagot mo doc…

    • Oreste David says:

      Hi Lagdz, napansin mo ba kung naglugon ang balahibo ng inahin nyo? Kung naglugon kasi msot likely mga 1 month na hindi sya maglalandi. Maganda magturok ka ng 5 ml vitamin ade para makatulong maglandi at tumubo kaagad ang balahibo. Also pakainin mo muna high protein na feeds like starter or grower feeds.

  7. Glady says:

    Hello po doc. Yung baboy na min palaging naglugon ang balahibo , As per said niyo pakainin ng starter or grower. Question ko po ito pa help po
    1.tama po ba purgahin din ang inahin pagnaglugon?
    2.advisable po ba bigyan ng pampalandi or e vitamins muna like ADE?
    3.yung feeds kasi gamit namin is breeder feeds sa inahin pagkawalay ng mga biik, tama po ba or palitan ng ibang klase ng feeds? Ano po ang tama?

    Patulung po doc salamat

    • Oreste David says:

      Hi Gladys,
      heto mga sagot sa tanong mo
      1) Yup pwede magpurga kahit naglulugon ang inahin. Mas maganda yung injectables like ivermectin o doramectin. 1 ml per 30 kg ang dosage
      2) After maglugon, injek ka muna 5 ml Vitamin ade para makatulong maka recover kaagad ang inahin. Pag after 30 days ayaw pa rin maglandi, pwede mo na gamitan ng injectable na hormone like Gonestrol o kaya Synchrovet. Yung gonestrol 2 ml sa gilts at 3 ml sa inhain, intramuscular ang bigay. Yung synchrovet 5ml ituturok, intramuscular din.
      Sana makatulong.
      -Doc Teng David

  8. Glady says:

    Hello po doc. Yung inahingbaboy na min palaging naglugon ang balahibo pagkatapos magwalay, kaya matagal maglandi. Question ko po ito pa help po
    1.tama po ba purgahin din ang inahin pagnaglugon?
    2.advisable po ba bigyan ng pampalandi or e vitamins muna like ADE?
    3.yung feeds kasi gamit namin is breeder feeds sa inahin pagkawalay ng mga biik, tama po ba or palitan ng ibang klase ng feeds? Ano po ang tama?

    Patulung po doc salamat

  9. Eden Magistrado Acob says:

    Hi sir.tanung ko lang po kasi ung mama pig namin nakuryente siya .may side effect po ba Yun sa paglalandi niya.or possible ba na hindi na siya maglandi

    • Oreste David says:

      Musta Eden,
      Observe mo for 1 week kung may epekto sa kain nya ang pagkakuryente o magkakaroon ng impeksyon. Buntis ba siya, kasi kung buntis sya posible mag abort after nakuryente.
      Pero depende pa rin kung gaano kalakas at kung gaano katagal ang pagka-kuryente niya. Yung ibang cases kasi minsan nanghihina na ang inahin at di na pwede gamitin for breeding.
      Talk soon,
      Dooc Teng David

  10. Mitchell dagatan says:

    Good day doc.. TAnong ko lng Sana.. Bkit po kya ayaw mag kain NG baboy ko tapos MA ai? Then after 3 days MA e I.. May parang Nana po sa ari NG baboy.. First PA lng po nya MA ai doc

    • Oreste David says:

      Hi Mitchelll,
      Kung ayaw kumain after ma ai at may discharge o nana na lumalabas, posible baka naimpeksyon ang inahin o kaya deelayed na ang pasok ng semilya. Posible din na mahin o patay ang semilya na naipasok. Check mo temperature ngayon kung may lagnat, mahigit 40 degrees Centigrade temp. Injek mo sulpyrin o analgin 10-15 ml

  11. ROSE ANNE SUNGA GONZALES says:

    Good evening Doc..ung inajing baboy ko po ayw n magpasuso 23days po ng mga biik..kaya po hiniwalay ko na..2days after po nglandi sya pero my gatas p sya..ok lng po b na pasampa ko n po sa barako?

    • Oreste David says:

      Hi mam Jenny, ideally po kung talagang maliit ang ari ng inahin di na siya ginagamit as breeder dahil mataas din ang possibility na may diperensya sa matris sa loob or sa kanyang ovary. Isa pa po, baka mahirapan din siyang manganak. Pero kung wala pa kayong maraming inahin at nagsisimula pa lang kayo ngayon, try nyo na rin po

  12. Mary Joy Fronda says:

    Hello, ask ko lang po sna, ung baboy po namin unang beses pinasumpit,, lampas n po sa due date ng panganganak eh di p rin po nanganganak till now anu po kya magandang gawin Doc.?

    • Oreste David says:

      Musta po mam Mary Joy, kung overdue na po, posible either patay po mga biik sa loob or kaunti lang sila or pwede rin po baka hindi sya nabuntis. Injek nyo po 2 ml ng Lutalyse or GEstavet Prost, para within 24 hours po ilalabas nya ang mga biik sa loob ng matris. Kung wala pong nailabas after 2 days, posible di po siya nabuntis

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *